
Si Vice Ganda o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay ang isa sa mga hinahangaang komedyante ngayon ng masang Pilipino.Bukod sa pagiging komedyante, siya ay isang magaling na aktor, recording artist, television host at author. Siya rin ang kauna-unahang gay endorser ng malalaking produkto sa Pilipinas. Isinilang noong March 21,1976 sa Tondo, Manila. Siya ay bunso sa limang magkakapatid at lumaki sa Jose Abad Santos Street sa Manuguit, Tondo, Manila. Ang kanyang yumaong ama ay naging Kapitan ng Barangay samantalang ang kanyang ina na isang Ilokana at caregiver naman sa abroad. Siya ay nag-aral sa Far Eastern University at ang kanyang kinuhang kurso ay Political Science.
Si Vice Ganda ay unang nakilala bilang stand-up comedian. Siya ay napapanood sa punchline kung saan madaming mga taga showbiz ang nakakapanood sa kanya.Among the stand-up comedians si Vice ang madaling makakuha ng atensiyon ng mga manonood. Madali kasi siyang makapag-isip ng mga ibabatong jokes sa kanyang kapwa-standup comedian.

Ang pagpasok niya sa It’s Showtime bilang regular judge ang nagbigay sa kanya ng malaking break para mas higit na hangaan at kilalanin sa industriya.
Bukod sa It’s Showtime ay meron na rin siyang sariling Sunday talk show ang Gandang Gabi Vice. Nagsimula rin siyang maging isa sa mga judges ng Pilipinas Got Talent noong 2016. At sa kasalukuyan ay muli siyang naging parte nito bilang hurado.

Pinatunayan naman ni Vice Ganda na hindi na niya kailangan pang ipangalandakan ang kanyang pagiging bukas palad sa mga nangangailangan dahil gusto lamang niya ibahagi ang blessings niya sa mga nangangailangan din ng tulong.
Hindi siya perpekto bilang artista at bilang tao subalit hindi natin maitatanggi na ang husay niya sa kanyang larangan ay tunay na nakapagpapasaya sa maraming tao. Kaya naman patuloy siyang hinahanggan at minamahal ng kanyang mga tagahanga.
