
Isa sa malaking problemang kinakaharap ng mga taga Sta. Maria ay ang mahahabang traffic. Maraming residente ng Sta. Maria ang apektado dito kabilang na rin ang mga estudyante na kinakailangang pumasok ng maaga sa paaralan.
Maraming tao ang nagsasabi na mas nagkakaroon ng traffic kapag mayroong mga traffic enforcers na naka duty.
Isang traffic enforcer ang aking nakapanayam kung ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng traffic kung may naka duty ba na traffic enforcer o wala sa Sta. Maria. Ayon kay Richard Valerio “Yan yung tingin ng iba na kapag may traffic enforcer na naka duty eh mas nagkakaroon ng traffic”.
Nakapanayam ko din ang chairman ng traffic management unit at ayon sa kanya “Kaya nagkakaroon ng traffic dito sa Sta. Maria ay dahil sa dami na din ng mga sasakyan”.
Yan ang mga naging pahayag ng traffic enforcer at ng chairman ng traffic management unit upang ipaalam sa mga motorista at commuters kung bakit nagkakaroon ng traffic sa bayan ng Sta. Maria.





